Puwedeng humiling ng pagtatasa ang sinuman para sa mga serbisyo ng tuloy-tuloy na pangangalaga. Kung kayo, o ang sinumang kilala ninyo, ay nangangailangan ng tulong sa mga pang-araw-araw na gawain (pagbibihis, paliligo, kapalit na tagapangalaga) o nagkakaproblema sa pamumuhay nang mag-isa (paglalakad nang ligtas, mga aktibidad na nangangailangan ng memorya o pagpapasya), puwede kayong direktang makipag-ugnayan sa tuloy-tuloy na pangangalaga (continuing care). Bisitahin ang hakbang 2 - mga bagay na kailangan ninyo at pakikipag-ugnayan upang alamin kung paano.
Ang inyong unang hakbang upang makuha ang pangangalagang kailangan ninyo. Narito kami upang sagutin ang inyong mga tanong, gabayan kayo sa kabuoan ng proseso, at iugnay kayo sa angkop na tulong.
*Puwede pa rin kayong tumawag upang magtanong tungkol sa access sa mga serbisyo ng tuloy-tuloy na pangangalaga sa Alberta kahit na hindi kayo kasalukuyang naninirahan sa Alberta, o wala kayong numero ng Plano ng Insurance sa Pangangalagang Pangkalusugan ng Alberta. Alamin pa
Kapag nakipag-ugnayan kayo, iuugnay kayo sa isang taong mangangalap ng inyong impormasyon at sasagot ng anumang tanong na mayroon kayo tungkol sa mga serbisyo ng tuloy-tuloy na pangangalaga.
Doon, maaaring:
Kung magtatalaga sa inyo ng Tagapamahala ng Kaso, siya ang inyong magiging pangunahing katuwang. Gagabayan niya ang mga pagtatasa sa inyo, susuriin niya ang inyong mga pangangailangan, iko-coordinate niya ang mga serbisyo, at regular siyang mangungumusta.
Makikipagpulong sa inyo ang isang Tagapamahala ng Kaso upang magsagawa ng assessment at alamin ang inyong mga pangangailangan para sa pangangalagang pangkalusugan, kabilang na rito ang mga serbisyong puwedeng makatulong sa inyo na manatiling nakapag-iisa hangga’t maaari sa inyong tahanan.
Alamin pa ang tungkol sa aming proseso ng pagtatasa at kung paano ito isinasagawa sa lugar na tinatawag ninyong tahanan - Together, let’s get you home - YouTube.
Ibabahagi ng inyong Tagapamahala ng Kaso ang resulta sa inyo (at sa inyong pamilya o legal na kinatawan kung may pahintulot ninyo), at tatalakayin niya ang antas ng pangangalaga na pinakaangkop sa inyong mga pangangailangan.
Alamin pa ang tungkol sa mga uri ng pangangalaga at serbisyo na available.
Bisitahin ang mga komunidad ng mga katutubo upang malaman ang tungkol sa pagkuha ng may espesyalisasyong pangangalaga para sa mga katutubo.
Kung lilipat kayo sa Alberta mula sa ibang probinsiya, teritoryo o bansa, o hindi kayo saklaw ng AHCIP (Alberta Health Care Insurance Plan), maaari pa rin ninyong i-access ang mga serbisyo ng Assisted Living Alberta (ALA).
Alamin pa